Pages

3.01.2008

finals

Finals na naman.

Kung tutuusin mas gusto ko pag-araw ng exam dahil walang recits. Ang ayoko lang ay ang mga araw bago mag-exam. Ayoko nung feeling na kailangan ko mag-aral. Fine, kailangan ko naman talaga mag-aral pero ayoko ng pakiramdam na kailangan siya. Mas hindi ako nagfa-function pag ganon. Pero, balibaligtarin ko man ang mundo wala naman akong choice kundi mag-aral, o piliin ko nalang na tanggaping hindi pumasa. Shempre ayoko nun.

_______

******Ang hirap talaga magsulat sa Pilipino. Bakit ko ba ginagawa to?
_______


Natatanong ko tuloy ang sarili ko, kahit makailang ulit ko na itong naitanong, bakit nga ba ako nagpapakahirap mag-aral ng batas? Kung tutuusin pede rin naman akong kumita ng pera sa ibang propesyon. Nasubukan ko na nga iyon, diba? Mas madaling maging empleyado. Magtatrabaho ka (at pag minsan, magpapanggap) ng walong oras isang araw tapos buwan-buwan meron ng laman ang ATM account mo. Pag uwi mo ng bahay, uupo ka na sa harap ng TV, matutulog, tapos kinabukasan papasok ka na ulit sa opisina. Pag weekend pede kang makipagkita sa mga kaibigan. Pwede mag-out of town ng walang iniisip na sandamakmak na kasong babasahin. Walang mashadong sakripisyo, di tulad sa law school. Mas marami kang oras para sa sarili. At mas maraming pera.

Malamang yun ang problema.

Kumita na kasi ako e. Tama naman nga sila, me epekto ang pagtigil sa pag-aaral para magtrabaho. Pero kung tutusin, kung gusto mo naman talaga ang isang bagay kahit na anong mangyari hindi ka titigil hanggang makuha mo ang iyong nais. Kaya nga ako bumalik sa pag-aaral. Para maabot ang pangarap (Shet! Ang cheesy!) Hay. Ang gulo.

Stop.

Tumawag ang ninang at pinsan ko. May tinatanong sila tungkol sa Condominium Law at Legal Separation. Tama ba naman yun? Kung kelang nag-eemote ako sa pagtatanong kung bakit ako nag-aaral tamang tatawag sila at magtatanong. O well. Sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya. Sa tingin ko naman nakuntento sila sa sagot ko. Palagay ko rin naman tama.

Eto kaya ang sagot sa mga walang kwenta kong tanong ngayong gabi?

Pucha. Makapag-aral na nga.


2 comments:

berna said...

oy! atty! mag-aral ka. =) tiis na lang hanggang next week. hehe.. tuturuan mo pa ng batas ang anak ko.

jishinka said...

Onga e. Tiis tiis muna. Sabihin mo jan ke JB pagtapos ng Holy Week ang labas nya. Hahaha! Naka-schedule ito!